-- Advertisements --

Nanawagan ang  Sugar Council  sa gobyerno na gawing computed at transparent ang kanilang sugar importation program para hindi masabutahe ang mga lokal na magsasaka nito.

Ginawa ng konseho ang pahayag bilang suporta sa suhestiyon ng Philippine Sugar Millers Association’s na huwag tutukan ang impormasyon nito.

Sa isang pahayag, sinabi ng Sugar Council na bagama’t mahalaga ang pag-import sa pagpapanatili ng mga stock ng asukal at pagpapatatag ng mga retail price  sa panahon ng off-milling season, kailangan muna aniyang sumangguni sa mga grupo ng magsasaka at iba pang mga stakeholder  bago ang pagpapatupad ng anumang uri ng importasyon.

Ayon sa Philippine Sugar Millers Association’s, may sapat na supply ng asukal ang bansa kaya hindi kailangan ang importasyon.

Ito ay sinasabing tatagal hanggang sa katapusan ng crop year.

Ang kabuuang pisikal na stock ng asukal na naitala ng Sugar Regulatory Administration (SRA) noong Mayo 12 ay umabot sa 531,838 metro tonelada (MT), mas mataas na 26.37 porsyento kumpara sa 420,866 MT noong nakaraang taon.