Pinayagan na ang mga sugarcane farmer na mag-ani sa kanilang mga pananim na tubo sa loob ng six-kilometer extended danger zone mula sa bulkang Kanlaon.
Una kasing ipinagbawal ang mga naturang aktibidad sa danger zone dahil sa bantang dulot ng bulkan ngunit tuluyan din itong inalis ng Office of Civil Defense (OCD).
Ito ay mula noong inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang isang advisory ukol sa nagpapatuloy na pag-alburuto ng naturang bulkan.
Ayon sa OCD-Negros Island Region, ilang mga lokal na pamahalaan ang humiling na alisin muna ito dahil na rin sa pangangailangan ng mga magsasaka na pangunahing apektado sa pag-alburuto ng bulkan.
Sa kabila nito, magpapatuloy pa rin ang supervision o monitoring sa mga farming activities sa loob ng danger zone.
Ang work window ay mula alas-6 ng umaga at magpapatuloy hanggang alas-4 ng hapon.
Ang mga ito ay babantayan ng mga regional and local incident management team.
Ang Negros Region ang pangunahing nagsusuply ng pinakamalaking bulto ng asukal sa Pilipinas, dahil sa malawak na sugarcane farm sa mga ito.