Ipinaliwanag ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na hindi namaximized ang implementasyon ng Republic Act 10659 o ang Sugarcane Industry Development Act (SIDA) dahil sa binawasan ang pondo para dito.
Sinabi ni dating SRA chief Hermenegildo Serafica sa Senate Blue Ribbon Committee hearing ngayong araw na palagi umanong binabawasan ng Kongreso ang SIDA budget dahil sa underspending ng SRA.
Mula aniya sa mandated na P2 billion budget ang binigay lamang sa SRA noong taong 2021 at 2022 ay nasa P712 million.
Para sa taong 2023, inirekomenda ng Department of Budget and Management (DBM) ang P1 billion para sa sugar industry regulator dahil nakitaan ng DBM ng progreso sa paggamit ng SRA sa naturang pondo.
Matatandaan, naipasa bilang batas ang RA 10659 nmoong taong 2015 para palakasin ang sugarcane at asukal at mapataas ang iincome ng mga magsasaka lung saan pinayagan ang alokasyon ng P2 billion kada taon.
Mula sa naturang taunang pondo, ang P1 billion ay dapat na ilaan para sa infrastructure para sa farm to mill roads, P300 million para sa credit, p100 million para sa scholarships, P300 million para sa block farms ng agararian reform beneficiaries at P300 million para naman sa shared facilities program.