-- Advertisements --
Tiger Woods golf
Tiger Woods

Napakabilis umano nang pagpapatakbo ng sasakyan ng golf legend na si Tiger Woods bago ito nasangkot sa aksidente sa Los Angeles.

Ayon sa L.A. County Sheriff Alex Villanueva, ang pagtawid sa center divider ng SUV at pag-ikot nito ng ilang beses bago bumagsak ng ilang daang talampakan ang layo ay nagpapakita na lagpas sa normal na takbo ang sasakyan (2021 model Genesis).

Nagpadagdag pa sa lugar kung bakit ito ay accident prone ang area ay dahil sa ito ay pababa at pakurbada pa.

Makikita naman na wasak ang harapan at likuran ng sasakyan kung saan kinailangan pang gumamit ng palakol sa wind shield upang mailabas ang na-trap na golf player.

Sinabi pa ng mga otoridad, ang nagligtas daw kay Tiger ay ang pagiging intact pa ng loob ng sasakyan at gumana rin daw ang airbags na nagsilbing cushion sa matinding impact.

TIGER 1
LA police report

Kung wala umano ito, tinawag ng mga eksperto na “fatal crash” sana ang nangyari.

Iniulat naman ni L.A. County Fire Chief Daryl Osby, nang kanilang marekober si Tiger woods, nakakausap naman daw ito pero hindi kayang tumayo.

Seryoso umano ang tinamong sugat sa mga paa ni Woods at may mga bali, gayundin wasak din ang bahagi ng kanyang bukong-bukong.

Sa kabila nito, “non-life-threatening injuries” naman daw ang tinamo ng golfing great.

Samantala, patuloy pa rin ang pagbuhos nang mga well wishers, mula sa mga sports legends, hanggang sa mga lider at mga bigating entertainment personalities upang magpaabot din nang panalangin sa maagang paggaling ng golf legend.