-- Advertisements --

NAGA CITY – Umakyat na sa 51 ang naitalang sugatan sa nangyaring aksidente na kinasangkutan ng trailer truck at pampasaherong bus na nag-iwan rin ng dalawang patay sa Diversion Road, Malinao Ilaya Atimonan, Quezon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Staff Sergeant Jay Cristobal, kinumpirma nito na dalawa pang pasahero ang naidagdag sa una ng 49 mga nasugatang pasahero.

Ayon kay Cristobal mga out patient ang naidagdag sa kanilang listahan dahil minor injuries lamang umano ang tinamo ng mga ito.

Samantala, natunton na rin umano nila ang isa mga driver ng Mak Eve Bus na tumakas matapos ang pangyayari.

Kwento ng pulis na tila naalimpungatan umano ang drive reliver sa pag-aakalang sila ang may kasalanan sa aksidente kaya agad na bumiyahe papuntang Metro Manila.

Sa ngayon patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad at pakikipag-ugnayan sa mga nasangkot na mga sasakayan.

Napag-alaman na karamihan sa mga pasahero ng nasabing bus ay mula sa lalawigan ng Masbate ngunit hindi pa rin matiyak ng PNP kung galing talaga umano sa Masbate ang nasabing bus.