-- Advertisements --

Nakatakdang ilabas bukas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga bagong suggested retail price ng mga produktong inihahanda tuwing noche buena.

Ayon kay DTI Assistant Secretary Ann Claire Cabochan, na hiniling ng ilang mga manufacturers ang ang pagtaas ng mga noche buena products.

Paglilinaw din nito na bahagya lang naman ang nasabing pagtaas.

Hinihintay na lamang nila ang go-signal mula kay DTI Secretary Ramon Lopez para mailabas na ang nasabing pagtaas ng mga nabanggit ng produkto gaya ng hamon, keso, pasta, fruit cocktail at condensed milk.