-- Advertisements --
James Jimenez Comelec Spokesperson

Bukas umano ang Commission on Elections (Comelec) na pag-aralan ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapalitan na ang Smartmatic na supplier ng mga makinang gagamitin sa susunod na halalan.

Pero iginiit naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez na bagamat nagkaroon ng aberya sa halalan ay wala namang anomalya o nangyaring dayaan gamit ang Smartmatic.

Kakailanganin din umano ng mga ligal na batayan kung kailangan nang i-ban ang Smartmatic at kailangan din ng batas na siyang magiging batayan kung mawawala na ang mga public bidding sa gobyerno.

Binigyang diin ni Jimenez na ang naunang pag-amin ni Comelec Chairman Sheriff Abbas na nagkaroon nga ng aberya sa halalan ay hindi nangangahulugang may nangyaring anomalya at nagkaroon ng maling pagbibilang ng mga boto.

Sa ngayon, tapos na rin naman aniya ang kontrata ng Comelec sa Smartmatic.

Naniniwala si Jimenez na hindi naman inaayawan ng Pangulo ang automated elections kundi ayaw lang anya nito sa ginagamit na supplier sa halalan.

Maalalang sa isinagawang halalan noong Mayo 13 ay maraming vote counting machines (VCM) ang nagkaaberya sa kalagitnaan ng botohan.

Maliban dito, daan-daang SD o memory cards din ng makina ang na-corrupt.

Mariin naman itong itinanggi ng partido liberal at ni Sen. Trillanes.