-- Advertisements --

Inako ng Kurdistan Workers’ Party (PKK) ang naganap na suicide bombing sa Ankara, Turkey.

Dahil sa insidente ay nasugatan ang dalawang pulis na nakatalaga sa interior ministry building.

Agad naman na napigilan ng mga otoridad ang pangalawang insidente ng suicide bombing.

Nangyari ang insidente ilang oras bago magpulong ang mga mambabatas matapos ang kanilang session break.

Ang grupong PKK ay itinuturing ng Turkey, US at United Kingdom bilang mga terror group.

Tinawag naman ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang insidente bilang isang ‘terror attack’.

Huling insidente ng bombing ay naganap noong nakaraang taon sa Istanbul na ikinasawi ng anim na katao.

Nanguna ang US sa pagkondina ng nasabing terror attack sa US.