-- Advertisements --
tentay

ROXAS CITY – Tuluyan nang pinull-out sa mga supermarkets at grocery stores sa Roxas City ang mga brands ng suka na unang pina-recall ng Food and Drug Administration (FDA) dahil sa sangkap na may synthetic acetic acid.

Kabilang sa mga pinull-out na mga brand ng suka ay ang Tentay Pinoy Style Vinegar at Tentay Sukang Tunay Asim na makikita noon sa mga supermarkets at grocery stores sa lungsod ng Roxas.

Nabatid na matapos matanggap ng mga merchandizer ang memorandum na pinagbabawal ng FDA ang nasabing mga suka ay kaagad na pinull-out ang naturang mga brand sa kanilang display center, bilang pagsunod sa utos ng ahensiya.

Sa kabila na hindi naman peligroso sa kalusugan ang sukang may sangkap na synthetic acetic acid ay itinuturing pa rin itong substandard.