MANILA – Inamin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na umabot na sa Metro Manila at ilang lugar sa Luzon ang sulfur dioxide na ibinubuga bulkang Taal.
PRESS RELEASE ON VOLCANIC SO2 DISPERSAL INFORMATION FOR TAAL VOLCANO (updated)
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) June 29, 2021
30 June 2021
6:30 A.M.#TaalVolcanohttps://t.co/bERwslDmTx pic.twitter.com/JhHK94b5ly
Sa pinakahuling monitoring ng ahensya, natukoy na umabot na ng Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan, at Zambales ang usok na may volcanic sulfur dioxide.
Inabot na rin ng delikadong usok ang mga kalapit na probinsya ng Batangas tulad ng Cavite, Laguna, at Rizal.
Nakuha ng Phivolcs ang impormasyon sa pamamagitan ng web portals ng Ozone Mapping Instrument at Ozone Mapping and Profiler Suite (OMPS) ng Suomi National Polar-Orbiting Partnership Satellite na nasa ilalim ng National Aeronautics and Space Administration (NASA).
“The plumes extend from the planetary boundary layer or PBL, representing near-ground surface levels, to the upper troposphere at almost 20 kilometers above sea level.”
“These data confirm our observation of volcanic smog or vog over the Taal Region for which we released an advisory at 6 A.M. on 28 June 2021, prior to recording the highest SO2 flux at 14,326 tonnes/day.”
Nitong Miyerkules nang i-anunsyo ng Phivolcs na may volcanic smog (vog) na naitala sa Taal Caldera, o lawa sa paligid ng bulkan.
Naglalaman ng sulfur dioxide ang vog na delikado para sa mga may komplikasyon sa puso at baga, matatanda, buntis, at mga bata.
Pinaalalahanan na ng Phivolcs ang mga residente, lalo na ang malapit sa bulkang Taal, na magsuot ng N95 facemask at iwasang ma-expose sa vog.
“As a scientific institution, we have been reminded again of the value of uncertainty and the limitations of our data, the value of citizen observation and the need to constantly challenge our own perceptions, interpretations and ideas.”
Nananatili sa Alert Level 2 ang estado ng Taal volcano. Ibig sabihin, may posibilidad pa rin na magkaroon ng steam o gas-driven explosion ang bulkan.