Posibleng simulan na ang pag-rolyo ng Sulit rice sa 24 na existing Kadiwa ng Pangulo (KNP) centers at kiosk sa susunod na linggo.
Ito ay kasunod ng positibong pagtanggap ng publiko at matagumpay na trial run ng Sulit rice program sa 2 KNP sites sa Metro Manila.
Kung saan ibinenta ang 100% pinong bigas subalit puti at nasa murang presyo na nasa ₱36 kada kilo.
Ngayong linggo, ayon Kay Department of Agriculture Sec. Francisco Laurel Jr. isinasapinal pa nila ang opisyal na rollout ng naturang programa.
Kailangan aniyang planuhin kung paano ito ipapatupad at dapat na matiyak na may sapat na stocks ng naturang bigas.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na target din nilang dagdagan o palawigin pa ang KNP sites para sa Sulit rice program sa labas ng Metro Manila gaya na lamang sa Regions 3 at 4-A, partikular na sa Bulacan, Pampanga, Rizal, Cavite at Laguna sa buwan ng Pebrero o kaya’y sa Marso