-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nanguna si outgoing Sultan Kudarat Governor Datu Pax Mangudadatu sa oathtaking ng mga opisyal ng probinsya.

Sa provincial gym ng kapitolyo sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat ginanap ang oathtaking sa mga bagaong halal na opisyal na nanalo sa nakaraang eleksyon.

Nanumpa bilang gobernador ng probinsya si Gov. Suharto Mangudadatu at mga nanalong kandidato sa iba’t ibang bayan.

Dumalo rin sa okasyon si Maguindanao Governor-elect Bai Mariam Mangudadatu na maybahay ni Sultan Kudarat Governor-elect Suharto ”Teng” Mangudadatu.

Samantala sa Hulyo 2 pa gagawin ang mass oathtaking ng mga nanalong kandidato sa Maguindanao, ilan sa mga kaalyado ay dumalo rin sa oathtaking.

Bisita rin sa oathtaking si 6th ID chief, Major General Cirilito Sobejana, dating Governor Ting Ting Cojuangco at ilang mga representante na magmula sa iba’t ibang sektor.

Ang mass oath taking ay isinabay sa kaarawan ni Governor Pax.