-- Advertisements --

KORONADAL CITY — Nakapagtala na ng pinakaunang kaso ng Delta variant ng Covid-19 ang lalawigan ng Sultan Kudarat. Base ito sa inilabas na datus ng Department of Health o DOH.

Ngunit sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Sultan Kudarat Provincial Health Officer Dr. Gina Galinato, tumanggi itong kumpermahin ang nasabing balita dahil hanggang sa ngayon, hindi pa umano dumating sa kanila ang datus na nagpapatunay na may kauna-unahang kaso na ng delta variant ang Sultan Kudarat.

Sa inilabas na datus ng DOH, isa ang Sultan Kudarat sa may kaso ng delta variant dahilan upang itaas ang alert level nito kontra Covid-19.

Isa ang delta variant sa pinangangambahan dahil mas nakakahawa ito kun ihahambing sa ibang variant ng Covid-19.

Una rito, kumalat din sa social media ang balita na may kaso na ng delta variant sa Tacurong City ngunit walang nagkumperma ng ulat dahil hinihintay pa umano ang resulta ng test na ipinadala sa Philippine Genome Center.