-- Advertisements --

Nanawagan na umano ng tulong ang pamahalaang panlalawigan ng Sulu sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) kasunod ng ulat na na-detect daw sa kalapit na Sabah, Malaysia ang bagong strain ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pahayag ito ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pulong ng IATF at mga infectious disease experts sa Malacañang.

“Sulu Governor Abdusakur Tan on Friday told… that he had instructed his staff to consult the task force to on our best to handle the emergency… Sabah is less than 29 hours with boat from the Sulu Archipelago,” wika ng Pangulong Duterte.

Kasabay nito, pinawi rin ng Pangulong Duterte ang pangamba ng publiko kaugnay sa pagkalat ng bagong variant ng coronavirus.

“The Sulu task force COVID-19 is calling the public not to panic and to heed advisories from official sources,” anang presidente.

“To our frontline partners, we intensify [the] monitoring, and we utilize all materials and available resources at our disposal to assure our constituents and we reiterate our call to them to avoid speculations and spread fake and harmful mongering.”