-- Advertisements --

Inanunsyo ng Western Mindanao Command (WestMinCom) na isasailalim sa lockdown ang lalawigan ng Sulu upang mapigilan ang pagpasok ng bagong coronavirus variant sa probinsya.

Ayon kay WesMinCom chief Lieutenant General Corleto Vinluan, ipatutupad ang lockdown mula Enero 4 hanggang 17, 2021.

Sinasabing na-detect sa Sabah, Malaysia ang bagong COVID-19 variant sa Sabah, Malaysia, na malapit lang sa Sulu.

Sinabi naman ni Sulu Governor Abdusakur Tan, ipagbabawal muna ng kanilang lalawigan ang pagpasok ng mga manggagaling sa Sabah.

Mas nais din aniya nila na ipatupad ang naturang preventive measure dahil kulang umano ang kanilang lalawigan sa mga health facilities.

“Ngayon humihingi kami kay Presidente [Duterte] kung puwede pakiusapan ang Sabah o kaya ‘yung Kuala Lumpur na i-suspend muna ang pagpapauwi ng mga undocumented Filipinos from Sabah,” wika ni Tan.

Kamakailan lang nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpasaklolo na ang Sulu sa national government kaugnay ng naturang isyu.