-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Signature ng BIFF-Dawlah Islamiya ang itinapon at ipinasabog na improvised grenade sa detachment ng militar sa Barangay Macasampen, Guindulungan, Maguindanao.

Ito ang inihayag ni Lt. Col. John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6ID Phil. Army sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Baldomar, isang retaliatory attack ang ginawa ng BIFF dahil sa patuloy na operasyon na kanilang ginagawa laban sa nabanggit na grupo.

Dagdag pa ni Baldomar, lumabas sa post-blast examination na ang may kagagawa sa nabanggit na eksplosibo ay ang BIFF-Dawlah Islamiya dahil sa paghihigante laban sa mga sundalo.

Naniniwala naman si Baldomar na dahil sa patuloy na hot pursuit operation ng militar sa mga terorista na grupo, ay gianwa ng BIFF ang ganitong karahasan upang maipakita pa sa mga sundalo ang kanilang kakayahan.

Sa ngayon, ay balik sa normal na ang lugar ngunit nananatiling nasa hightened alert status ang buong Maguindanao.