-- Advertisements --
361376758 617964370443847 6506343122272950365 n

Matapos magsagawa ng assesment ang Philippine Coast Guard Marine Environmental Protection Group-Romblon na sakay ng Provincial Government Of Romblon speed boat, sa posibleng pinagmulan ng oil spill, napag alamang pumasok ang tubig-dagat sa barko at umabot sa bilge tank nito.

Nauna nang iniulat na sumadsad ang ang MV Maria Helena na may layong 100 meters sa shoreline ng Barangay Nasunugan, Banton, Romblon at mahigit 93 na pasahero at 36 na crew ang nailigtas.

Ang naturang roll-on roll-off/passenger vessel ay sumadsad dahil umano sa imbalance ng mga kargamento at tubig dagat na nasa loob ng sasakyang pandagat na dumadaan sa drainage ng barko.

Kaya naman ang Marine Environmental Protection Group-Romblon kasama ang mga tauhan ng Montenegro Shipping Lines ay nagsagawa ng cleanup operation sa pamamagitan ng manual scooping sa likuran ng barko kung saan nakakuha ng apat na drum ng oily-water mixture.

Ayon sa obserbasyon ng Philippine Coast Guard Marine Environmental Protection team, nakita din ang mga oil sheens sa labas ng nasabing vessel na madaling kumalat at sumingaw.

Isang tugboat mula sa Montenegro Shipping ang darating sa lugar na may dalang oil spill response equipment onboard. Ang PCG MEP team ay magpapadali sa pag-deploy ng oil spill boom sa site upang mapigil ang spill.