-- Advertisements --

Naihon na ang sumadsad na MV Mirola 1 sa may Mariveles, Bataan at hahatakin sa mas ligtas na lugar.

Ito ang kinumpima ni PCG Bataan station commander Lieutenant Commander Michael John Encina.

Ayon sa PCG, nagsagawa ang kinontratang Morning Star ng patching at pagkumpuni sa katawan ng merchant vessel at tinanggal ang tubig dagat para mapalutang ang naturang barko.

Wala na ring nakitang iba pang oil sheen sa baybayin ng Sitio Bagong Sibol at Sitio Quiapo.