-- Advertisements --

Nasa kustodiya na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sumadsad na MV Mirola 1 sa baybaying dagat ng Mariveles, Bataan.

Ayon kay PCG Bataan Station commander Lieutenant Commander Michael John Encina, nag-isyu na sila ng inspection enforcement apprehension sa naturang barko para matukoy kung nakagawa pa ito ng ibang mga paglabag at kung anong kasong administratibo ang maaaring ihain.

Maliban dito, sinabi ng PCG Bataan Station commander na pinatawag na rin ang may-ari ng naturang merchant vessel.

Nitong Miyerkules nga ng inisyuhan ng Senate panel ng subpoena ang mga may-ari ng MTKR Jason Bradley at MV Mirola 1 matapos na hindi sumipot ang mga ito sa pagdinig.

Una na kasing sinabi ng PCG at NBI na kanilang iniimbestigahan kung ang 2 barko kasama na ang MT Terranova ay sangkot sa oil smuggling o tinatawag na pa-ihi.