-- Advertisements --
Umaabot sa 7.4 million ang naitalang kalahok sa Alay Lakad 2024 na isinagawa sa Antipolo, Rizal.
Isinagawa ito nitong Biyernes Santo ng madaling araw.
Sumentro ang aktibidad sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral.
Nabatid na nakagawian na ng mga deboto ang ganitong gawain, bilang parte ng kanilang panata tuwing Semana Santa.
Kaya naman maagang nag-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng kanilang mga tauhan sa lugar.
Sinasabing Huwebes pa lang ay nag-abang na ang marami para maging parte ng naturang aktibidad.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, naging mapayapa naman ang naturang event.