-- Advertisements --

Pinag-rereport na ngayon sa PNP Internal Affairs Service (IAS) ang mga pulis ng sangkot sa pagkidnap at pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo.

Napadalhan na rin ng summon ng IAS ang mga nasabing kabilang sina PSupt. Rafael Dumlao, SPO3 Ricky Sta Isabel, SPO4 Roy Villegas at PO2 Christopher Baldovino.

Ayon kay PNP-IAS deputy inspector general Police Director Leo Angelo Leuterio na layon ng pagpapa report sa mga sangkot na pulis para mapag-usapan kung gagawin ang summary hearing sa pamamagitan ng open hearing o magsusumite na lamang sila ng position paper.

Batay kasi sa batas tatagal ng 90 araw ang proseso kung open hearing pero maari naman itong mapabilis ng hanggang 28 na araw kung magsusumite sila ng position paper.

Giit ni Leuterio na mula sa kasong simple neglect of duty na ang parusa ay suspension at kapag dismissal from the service ay Grave Misconduct ang kaso kapag napatunayang guilty.

Una rito, tumanggi munang mag komento ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa kaugnay sa takbo ng kaso ng Koreanong negosyante.

Sinabi ni Dela Rosa kaniya ng ipina-uubaya sa joint investigating team ang pagbibigay ng update ukol sa kaso.

Satisfied din ang South Korean Embassy sa bansa sa takbo ng imbestigasyon.