-- Advertisements --

Nagpasya ang organizers ng first Summer Metro Manila Film Festival na ikansela muna ito dahil sa banta ng corona virus o COVID-19.

Isinaad pa nila na kanila munang iaanunsiyo kung kailang matutuloy ito.

Ang anunsiyo ay isinagawa matapos na ilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa community quarantine ang Metro Manila simula Marso 15 hanggang Abril 14.

Nakatakda sanang gawin ngayong April 11-12 ang unang summer edition ng MMFF kung saan mayroon walong pelikula ang kasama.