Mararanasan ngayong araw ng bansa ang summer soltice.
Ito ay ang pagkakaroon ng mahabang araw at maikiling gabi.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na kilala din itong Tropic of Cancer kung saan ito ang simula ng southward movement ng araw na hugis ecliptic.
Mararanasan ito eksakto 11:32 ng umaga kung saan ang daytime ay magtatagal ng 12 hours and 59 minutes.
Sisikat ang araw ng 5:28 ng umaga at ito ay lulubog ng 6:27 ng gabi.
Kadalasan nararanasan ito tuwing Hunyo 21 o Hunyo 22 sa northern hemisphere.
Sa ibang bansa partikular na sa mga mayroong apat na panahon sa isang taon ay simulan na ng summer sa mga nasa northern hemisphere habang simulan ng winter sa mga nasa southern hemisphere.