-- Advertisements --

Binabalot ngayon ng katanungan at kritisismo ang patakaran ng Japan para sa North Korea matapos kumpirmahin ni Japanese Prime Minister Abe Shinzo na handa itong makipag-usap kay North Korean leader Kim Jong Un.

Kumpara sa United States ay mas lalong hinigpitan ng Japan ang kanilang polisiya sa North Korea matapos ang pagpapakawala nito ng missiles noong Mayo.

Nag-alala naman ang ilang opisyal ng Japanese government na kahit kailan ay hindi mangyayari ang summit sa pagitan nina Abe at Kim.

Nais naman ipaalala ni Japanese Defense Minister Takeshi Iwaya ang kakayahan ng North Korea sa kanilang nuclear at missile weapons.

Tila kinampihan din ni Iwaya ang pahayag ni US national security adviser John Bolton na nilabag umano ng North Korea ang United Nations Security Council resolutions.

Hanggang ngayon ay wala pa ring hakbang na sinisimulan ang Japan upang simulang ayusin ang pagpupulong nina Abe at Kim.