-- Advertisements --

Patay ang isang sumo wrestler sa Japan matapos na magtamo ng brain injury.

Umabot pa sa mahigit isang buwan na nananatili sa pagamutan si Mitsuki Amano dahil sa brain injury nito.

Natamo nito ang ang injury sa isang laban noong nakaraang buwan.

Ayon sa Japan Sumo Association na naunang bumagsak ang ulo nito sa sahig sa kasagsagan ng laban.

Umani pa ng kritisismo ang nasabing torneo dahil tumagal pa ng limang minuto bago ito tuluyang bigyan ng paunang lunas.

Dahil sa kamatayan ng 28-anyos na wrestlers ay maraming mga sumo wrestlers ang nanawagan ng reporma sa patakaran ng torneo.