-- Advertisements --

Nagsimula ng bumalik ang mga laro ng sumo wrestling sa Japan kahit na patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso coronavirus sa nasabing bansa.

Magsisimula ang nasabing tournament sa Agosto 2 sa Ryogoku Kokugikan ang sikat na sumo arena sa Tokyo.

Limitado lamang ang bilang ng mga fans ang manonood dahil mayroong 2,500 lamang ang bilang na papayagan sa 11,098-seat stadium.

Ang nasabing pagbubukas ng sumo wrestling ay kasunod ng pagsisimula na rin ng mga larong baseball at football sa Japan.

Mahigpit aniya ang pagpapatupad nila ng mga health protocols kung saan kukuhanan ang mga manonood ng kanilang temperatura at dapat mayroon silang suot na facemask.