-- Advertisements --

Nagdesisyon ang samahan ng mga sumo wrestlers sa Japan na kanselahin na ang kanilang mga laro dahil sa coronavirus pandemic.

Nakatakda sanang magsimula sa Mayo 24 ang susunod na sumo “basho” o tournament matapos na ito ay ipinagpaliban noong nakaraang dalawang linggo.

Ayon naman sa Japanese sumo Association chairman na si Hakkaku, na kanilang kakanselahin na ang mga torneo sa buong Mayo.

Ito ay bilang matiyak ang kaligtasan ang mga kalusugan at kaligtasan ng mga manlalaro at mga fans.

Magugunitang pinalawig ng hanggang katapusan ng Mayo ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang ipinapatupad na State of emergency dahil virus.