DAVAO CITY – Magsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon ang pulisya para sa pag-alam ng impormasyon na isang aktibong miyembro umano ng Armed Forces of the Philippines na nahuli dahil sa pagmamay-ari ng hindi lisensyadong mga armas, bala at eksplosibo.
Kinilala ang suspek na si CORNELIO GALON III, 42 anyos, taga Prk. 12, Brgy. Mamali, Mati City, Davao Oriental.
Nahuli si Galon sa pamamagitan ng search warrant na ipinalabas ng korte dahil sa paglabag nito sa mga batas na may kaugnayan sa illegal na pagmamay-ari, pag-manufacture at pagbebenta ng maraming mga armas, mga bala, mga eksplosibo, matutulis na mga bagay.
Nakuha mula sa posisyon ni Galon ang 2 cal. 38; isang kalibre .45; isang 12 gauge shotgun at iab’t-ibang klase ng mga bala.
Dagdag pa nito, napag-alamang lider umano ang nasabing suspek ng Lemuria Tribes Divine Governance Inc. at Presidente rin ng Galon Clan the Royal Blood Descendant of Israel, Inc.
Kasalukuyang nakakulong sa Mati City Police station si Galon at inihanda na ang mga kasong ihahain laban sa kaniya.