-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Hawak na ng pulisya ang isang sundalo na nanggahasa ng isang menor de edad sa Tacurong City.

Ayon sa kwento ng ina ng biktima na nag-iinuman umano ang mga sundalo sa loob ng kanilang outpost sa national highway sa lungsod ng Tacurong nang dumaan ang kanyang anak.

Niyaya ang dalagita na uminom at nang malasing ay dinala umano ito ng suspek sa isang kubo sa loob ng kanilang detachment at doon ginahasa.

Nakatakas ang dalagita at nagsumbong sa kanyang ina kung saan agad i-nireport sa pulisya ang pangyayari.

Mabilis na nagresponde ang grupo ni Tacurong City Chief of Police Lieutenant Colonel Joan Maganto at inaresto ang suspek.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Tacurong City PNP at sasampahan ng kasong rape.