TACLOBAN CITY – Arestado ang tatlong mga suspek kasama na an isang kinikilalang miyembro ng Philippine Army dahil sa illegal na pagputol ng lapnisan o agar wood sa Brgy. Balocawe, Abuyog, Leyte.
Ayon kay Maj. Margarito Salaño, tagapagsalita ng Leyte Police Provincial Office (LPPO), habang isinasagawa ang mobile patrol ng mga kapulisan ay may lumapit na barangay tanod para sabihin na may hindi pamilyar na sasakyan sa kanilang lugar.
Agad naman na rumesponde ang mga kapulisan, at nang makita ng admga suspek ang sasakyan nga mga pulis ay dali-dali itong nagpatakbo ng kanilang sasakyan.
Hinabol ng mga kapulisan ang suspek.
Nakipagtulungan din ang mga ito sa kalapit na mga police statios kung saan pagdating sa Poblacion Zone 3 Mayorga, Leyte ay doon na nadakip ang mga suspek.
Kinilala ang mga ito na sina Henry Francisco, 38, residente ng Alangalang, Reynaldo Montero Jr., 33, isang sundalo at taga-Basey Samar, habang si Bryan Antonio naman ay tubong Tanauan, Leyte.
Nakuha sa posisyon ng mga ito ang 3.5 kilo ng lapnesan o lanete na may estimated street value na P200,000.
Sa ngayon ay humaharap na sa karampatang kaso ang mga suspek.