(Update) DAVAO CITY – Iniulat ni Police Staff Sgt. Virgilio Buhat, investigator ng Tagum PNP na bago nangyari ang pamamaril nang naghuramentadong si Staff Sgt Arvin Bureros sa kanyang dalawang mga kasamahanan sa loob ng headquarters ng 10th civil military operations battalion sa Brgy. San Agustin, Tagum City, napagalitan umano ito ng kanyang mga opisyal.
Ayon kay Buhat, may dalang armas ang suspek dahil nadestino ito bilang sentinel guard.
Kung maalala, patay sa nasabing pamamaril si Major Franklin Embat at isang Technical Sgt Sandatu Tuma habang sugatan naman ang isa pang sundalo na nakilalang si Major Mineheart Maliawao.
Sinasabing matapos pinagalitan, uminom ng alak ang suspek at dahil sa kanyang galit, bumalik ito sa loob ng kampo kasabay ng pahayag na “tapusin na natin ‘to.”
Dito na raw pinaulanan nniya g bala ang kanyang mga kasamahan.
Una nang inilarawan ang suspek na tahimik at pala-kaibigan at nasa mahigit 20 taon na sa kanyang serbisyo.
Sa kasalukuyan, nakakulong na sa Tagum PNP ang suspek at nahaharap sa kasong murder.