-- Advertisements --
Inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., na na-restore na ang daliri ng Navy personnel na naputolan ng daliri dahil sa pangha-harras ng China noong June 17 sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ayon kay Gen. Brawner, balik trabaho na ang Navy personnel matapos maibalik sa dati ang daliri nito, nito lamang nakaraang dalawang buwan.
Samantala, binigyang diin ng AFP chief na patuloy pa rin ang panawagan nila sa China na bayaran ang P60M na halaga ng mga nasirang gamit, at halaga ng mga ninakaw nitong baril.