-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patay ang isang sundalo matapos itong magbaril ng kaniyang sarili sa isang pribadong hospital sa siyudad ng Tacloban.

Una dito kinilala ang naturang sundalo na si Staff Sgt. Reynaldo Abordo Alipo, 4-anyos at nakatira sa Bato, Leyte.

Ayon kay Pol. Major Edwin CaƱamaque, station commander ng San Jose Police Station 1, mismo ang kapatid ng biktima na siya ring bantay nito ang unang nakakita sa pagbaril sa kaniyang sarili kaya kaagad itong humingi ng saklolo sa mga nurse.

Pinigilan pa ang naturang sundalo ng dalawang nurse pero hindi na nila nito nakombinsi na hindi ituloy ang masamang balak dahil na rin sa takot.

Hindi na nagpapigil ang sundalo at doon na nito binaril ang kaniyang sarili.

Tinitingnang anggulo namang ngayon ng mga kapulisan sa dahilan ng pagpapakamatay ng biktima ay dahil sa kaniyang pulmonary problem.

Wala namang nakikitang foul play ang PNP mula sa naturang insidente.