-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Kagagawan ng Liquidation Squad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang pananambang sa isang sundalo sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Private John Malvic Cagape Pido,25 anyos,may asawa at residente ng Barangay Capayuran Pigcawayan North Cotabato.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director,Colonel Allan Santiago na habang lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo mula sa tahanan nito patungo sa kanilang kampo ngunit pagsapit nito sa Brgy Salimbao Sultan Kudarat Maguindanao ay bigla siyang tinambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang kalibre.45 na pistola.

Sa balikat lamang ang tama ni Pido kaya pinaharurot nito ng takbo ang kanyang motorsiklo patungo sa Delta Bridge ng Cotabato City at humingi ng tulong sa kanyang mga kasamahan.

Agad dinala ang biktima sa pagamutan at nasa ligtas ng kalagayan.

Matatandaan na ilang sundalo na rin ang nasawi at nasugatan sa pamamaril ng mga myembro ng BIFF-Liquidation Squad.

Pinag-iingat naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief,Major General Diosdado Carreon ang mga tauhan nito laban sa Liquidation Squad ng BIFF.