-- Advertisements --

Naaresto ng Ukrainian forces ang isang sundalo ng North Korea na sumanib sa Russia.

Ito ang kauna-unahang sundalo ng North Korea na nahuli ng mga Ukraine mula ng magpadala ang North Korea ng kanilang mga sundalo sa Russia.

Sinabi rin ng White House na nakakaranas ngayon ang North Korea ng malaking paglagas ng kanilang sundalo.

Mayroon umanong mahigit 1,000 mga sundalo ang nasugatan at nasawi mula ng makipaglaban sila sa Ukraine.

Una rito ay nagpadala ang North Korea ng mahigit 10,000 na mga sundalo nito sa Russia para tulungan sa pakikipaglaban sa Ukraine.