-- Advertisements --

Posibleng manatili pa sa Afghanistan ang mga sundalong Amerikano kahit na pagkatapos ng Agosto 31 na withrawal date.

Sinabi ni US President Joe Biden na ito ay para matulungan ang mga mamamayan nila na nasa Afghanistan na makalikas.

Mahalaga aniya ang pagkakaroon ng presensiya ng mga sundalo ng US sa Kabul airport dahil sa pagbabantay na ginagawa ng mga Taliban para walang makaalis na mamamayan sa nasabing bansa.

Muling idinepensa nito ang nasabing pagtanggal niya ng mga sundalo ng Amerika sa Afghanistan.

Kung saan sinabi nito na naging maayos ang kasunduan sa pagtanggal subalit nagtaka ito kung bakit biglang nagkagulo sa nasabing bansa.

Nauna ng tiniyak ng US na kanilang ililikas ang mga mamamayan nila na naipit sa Afghanistan kasama na ang nasa hanggang 65,000 na Afghans na karamihan ay mga dating translators ng US military.