-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patay ang isang sundalo samantala sugatan naman ang isa sa nangyaring pang aatake ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Carolina, Matuguinao, Samar.

Kinilala ang namatay na si PFC Rommel Meñosa, nakabase sa 19th Infantry battalion samantala ang sugatan ay kinilala na si Corporal Lucero.

Ayon kay LTC Jasper Julito Pecson, Battalion Commander ng 19 IB,
na magsasagawa sana ng aktibidad ang kanilang tropa nang bigla ang mga itong harangan ng aabot sa 4-5 miyembro ng militia ng bayan.

Umabot naman sa 20 minuto ang naging palitan ng putok ng magkaibang grupo.

Samantala sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang hotpursuit operation ng mga kasundaluhan laban sa mga rebeldeng NPA na nakatakas matapos ang naturang insidente.