-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang sundalo nang mahagip ng isang sasakyan sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Nakilala ang biktima na si Private Jason Pama ng Philippine Army.
Ayon sa ulat nang pulisya na habang naglalakad ang biktima sa gi lid ng national highway sa Barangay Tinaungan President Quirino Sultan Kudarat galing sa kanilang kampo papauwi na ng kanyang tahanan ay bigla itong nahagip ng isang sasakyan.
Patay on the spot ang biktima na tumilapon sa kalsada at nagtamo ng matinding sugat,pasa at mga bali sa kanyang katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng President Quirino PNP para matukoy ang driver at sasakyan na naka hit-run sa biktima.