-- Advertisements --
MAGUINDANAO
Maguindanao

CENTRAL MINDANAO – Nagbuwis ng buhay ang isang sundalo sa engkwentro laban sa mga armadong grupo sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Sergeant Ahmad Layos Mahmood na nakatalaga sa 4th Light Reaction Company (LRC) ng 3rd Scout Ranger Battalion ng Philippine Army.

Ayon sa ulat ng 6th Infantry (Kampilan) Division, nakasagupa ng mga sundalo ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Brgy Dssawao, Shariff Saydona, Mustapha, Maguindanao.

Tinutugis ng grupo ni Sgt Mahmood ang mga papatakas na mga terorista ng tamaan sya sa ulo ng sniper ng BIFF.

Patay on the spot si Mahmood habang hindi naman matiyak sa panig ng mga rebelde.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang surgical strike ng Joint Task Force Central laban sa grupo ng BIFF sa Maguindanao.