-- Advertisements --
ROXAS CITY – Patay ang isang kasapi ng militar matapos ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng Philippine Army at New People’s Army sa Brgy. Sandayao, Guinhulngan City, Negros Oriental.
Kinilala ang namatay na sundalo na si Pfc. Arjun Guillermo ng Brgy. Pangpang Sur, Mambusao, Capiz.
Batay sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Roxas, sugatan ang nasabing biktima nang mangyari ang insidente dahilan na mabilis ito na-airlift ng 2-UH-1H Huey na helicopter at dinala sa pinakamalapit na ospital ngunit binawian rin ito ng buhay habang ginagamot.
Nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyari.