-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang sundalo sa pamamaril sa syudad ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Sgt Lardira Verande,nakatalaga sa 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army at residente ng Kalamansig Sultan Kudarat.

Ayon kay Cotabato City Police Director,P/Colonel Michael Lebanan na habang sakay ang bikima sa kanyang motorsiklo sa Sinsuat Avenue sa lungsod ng Cotabato ay bigla na lamang itong pinagbabaril ng riding in tandem suspect gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo na walang plaka.

Naisugod pa si Sgt Verande ng mga nagrespondeng pulis sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa dibdib ang biktima kaya binawian ito ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pamamaril patay sa isang sundalo sa Cotabato City.