NAGA CITY – Isang miyembro ng Philippine Army ang nasawi matapos ang umano’y misencounter sa San Francisco, Quezon Province.
Kinilala ang namatay na si Pfc Arvin Andrade Peñaredonda.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, kapwa nagpapatrolya umano ang isang squad ng Community Support Program ng 85th Infantry Batallion, at isang squad naman ng pinagsamang mga sundalo at Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) mula 59th Infantry Batallion, sa Sitio Matingam-Tingam, Brarangay Casay nang mangyari ang misencounter.
Nagresulta ang putukan sa pagkasugat ni Andrade na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang likuran.
Kaagad naman umanong nadala sa San Francisco Municipal Hospital ang nasabing sundalo ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.
Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang pangyayari.