-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Patay on the spot ang isang sundalo sa pamamaril sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Sergeant (Sgt) Mike Ilumba, nakatalaga Scout Ranger Battalion Philippine Army sa Basilan at residente ng Cotabato City.

Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office na habang lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo sa Maria Clara Street Barangay Rosary Heights Mother sa lungsod ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa Cotabato City.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ang biktima sa kanyang ulo kaya agad itong binawian ng buhay.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa pamamaslang sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.