BUTUAN CITY – Sinampahan na ng kasong 2 counts of murder ang isang sundalo na natumbok na syang responsable sa pamamaril sa Nasipit, Agusan del Norte na kumitil sa buhay ng dalawang lalaki habang isa pa ng sugatan.
Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni PMajor Ma. Divina Gracia Laspoñas, officer-in-charge ng Public Information Office ng Agusan del Norte Police Provincial Office, ito’yj matapos sumuko sa Nasipit Municipal Police Station nitong Linggo ng gabi ang responsableng si Corporal Giovanni Octavio, nadestino sa 23rd Infantry Battalion, Philippine Army na nakabase sa Brgy. Sta. Ana ng naturang bayan.
Matatandaang ‘patay on-the-spot si Alj Regino Cañete, 24 anyos, estudyante at sumunod naman ng iilang oras matapos operahan ang kaibigan nitong si Alden Pescante Jr., 34 anyos, binata at parehong residente ng Brgy. 5 sa nasabing bayan habang nananatili pa rin sa ospital ang nadamay na bajaj driver.
Iba’t-ibang rason ang lumitaw sa kanilang imbestigasyon sa pagitan ng mga nakasaksi sa pangyayari at sa panig ng suspetsado.
Nungi inamin ng sundalo na kanyang binaril din si Pescante nng ito’y pumaginta habang nadamay lang ang driver na dumaan sa kanilang