-- Advertisements --

Nakuha ng sundalo ng Oregon Army National Guard ang world record na may pinakamaraming ground-to-chest burpees.

Si Major Tommy Vu ay nakapagtala ng 1,027 burpees sa loob ng isang oras.

Nahigitan nito ang kaniyang sariling record na mayroong 1,003 burpees na kaniyang ginawa noong Marso 2023.

Ang record nito noong 2023 ay nahigitan noong Disyembre ng pitong burpees at kaniya itong nabawi na isinagawang Salem, Oregon.

Nagsimula ito ng magsanay ng ganoong karami noong COVID-19 pandemic kung saan ilang beses itong nagsanay at isa itong paraan niya para sa ensayo.