-- Advertisements --
Patuloy ang hot pursuit operation ng militar sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA) na kanilang na-enkwentro sa Barangay Nayawan, bayan ng Tapaz, Capiz.
Nagsasagawa ng combat operation ang mga kasapi ng 12th Infantry Battalion Philippine Army sa nasabing barangay ng masalubong ang tinatayang 15 miyembro ng rebelding grupo.
Tumagal ng 20 minuto ang palitan ng putok ng magkabilang panig hanggang tumakas na ang mga rebelde.
Narekober ng militar sa lugar ang dalawang explosive landmine at ilang kagamitan ng mga NPA.
Samantala patuloy na ginagamot sa ospital sa lungsod ng Iloilo ang sundalong hindi pa pinangalanan na nasugatan sa binti at tiyan.