CENTRAL MINDANAO – Sugatan ang isang sundalo sa pagsabog ng isang bomba sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Private First Class (PFC) Narciso Monreal,nakatalaga sa 57th Infantry Battalion Philippine Army.
Ayon sa ulat ng 601st Brigade na nagpapatrolya ang mga tauhan ng 57th IB sa Barangay Reina Regente Datu Piang Maguindanao nang biglang sumabog ang isang Improvised Explosive Device (IED) at tinamaan si Monreal.
Kinumpirma naman ni 57th IB Commanding Officer,Lieutenant Colonel Ernesto Gener na nagtamo lamang ng minor wound sa kanyang katawan ang biktima.
Grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang itinurong suspek sa pagpapasabog ng bomba.
Sakop ng 57th IB ang mga bayan ng Datu Piang,Datu Salibo at Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.