-- Advertisements --

mati4

Sugatan ang isang sundalo matapos tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) kaninang umaga sa Mati City, Davao Oriental.

Sa report ng Mati PNP, patungo sana sa bayan ng Banaybanay ang grupo ng mga sundalo sakay ng military truck nang bigla na lamang silang paulanan ng bala ng limang armadong rebelde ng NPA.

Umigting ang 30 minutong labanan matapos mag retaliate ang mga sundalo.
Agad namang rumisponde ang iba pang mga sundalo at pulis habang nakatakas ang mga rebelde.

Isinugod naman sa Mati Provincial Hospital ang sugatang sundalo, na nasa maayos nang kalagayan.

Dahil sa insidente bumigat ang daloy ng trapiko sa lugar ng pinangyraihan.

mati

Sa kabilang dako, mariing kinondena ni Mati City Mayor Michelle Rabat ang pananambang na itinuturing niyang isolated case.

Iniimbestigahan na ng Army at PNP ang insidente para matukoy ang motibo.

” Today’s incident along the national highway in Sitio Tagawisan, Barangay Badas is unfortunate and we condemn such atrocious act by lawless armed group.
For almost two hours, traffic was halted along the main thoroughfare which serves as the only road for our farmers to bring their products to our markets. For two hours, many livelihood were affected.
This brings to light the fact that armed struggle is not the way to bring peace and development to our city, to our people.
The police are still investigating the incident and we will wait for the official result of their probe. This is an isolated incident brought about by some circumstances beyond our control.
For now, I want to assure all Matinians that the City of Mati LGU is doing its best to counter the possible adverse effects this incident may bring to our city’s economy.
Rest assured that the police and the military, with the support of the local government, are doing their best to prevent similar incident from happening again.
We appeal to the public to remain calm and vigilant. Daghang salamat ug amping kamong tanan,” official statement ni Mati Mayor Michelle Nakpil Rabat.