Dahil sa military pressure kaya nagkaroon ng pagkakataon makatakas mula sa kaniyang mga captors ang isang sundalo ng Philippine Army na bihag ng komunistang NPA sa Man-ay, Davao Oriental.
Nakilala ang nakatakas na sundalo na si Cpl. Johannes Parreño, sundalong naka-assign sa 28th Infantry Battalion na dinukot ng NPA nuong June 10, 2018 pero nakatakas nuong Biyernes ng hapon.
Ayon kay Eastern Mindanao Command (Eastmincom) spokesperson Maj. Ezra Balagtey mga opisyal ng Barangay lambog ang tumulong sa nakatakas na suundo at saka tinurn over sa tactical command post ng 67th Infantry Battalion.
Magugunita na dinukot ang nasabing sundalo kasama ang isang CAFGU Active Auxiliary na nakilalang si Dindo Sagayno, pabalik na ang dalawa sa kanilang detachment ng sila ay dukutin ng NPA sa may Taragona, Davao Oriental.
Naniniwala naman si Lieutenant Colonel Jacob Thadeus Obligado, commanding officer
ng 67th IB na ang pagtakas ni Parreño mula sa kamay ng NPA ay dahil sa pinalakas na military pressure laban sa komunistang grupo at maging sa suporta ng komunidad.
“With the support of the local government officials and the people of Davao Oriental we have been tracking the abductors which became the basis of the sustained and relentlessly focused military operations by 701st Brigade units (67IB and 28IB ) to rescue our troops, which eventually paid off,” paliwanag ni Obligado.
Dagdag pa ni Obligado na, “This is a rare feat, in which NPA captives were able to escape from their captors without any negotiations.”