-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Dumating na sa kanilang tahanan sa Buenavista, Agusan del Norte ang bangkay ni Sgt. Butch Maestro, isa sa mga sundalong nalagas sa bumagsak na C-130 transport plane sa Patikul, Sulu.
Ito’y matapos unang dumating kahapon sa Lumbia Airport sa Cagayan de Oro City ang kanyang kabaong kasama ang limang iba pa nitong kasamahan na lulan sa C295 plane.
Base sa Facebook post sa kanyang asawang si Razel, puno ng sorpresa ang kanyang asawa sa tuwing uuwi sa kanilang tahanan at ngayong isa na itong malamig na bangkay na dumating, nagpapasalamat pa rin sila dahil ilang araw nila itong makikita habang nilalamayan sa kanilang tahanan.